Advertisers

Advertisers

UNIPORMADONG TAONG-GOBYERNO KASAMA SA INIIMBESTIGAHANG POIs NG NBI — MATIBAG

0 3

Advertisers

INIHAYAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na may mga ‘men in uniform and in active service’ na kabilang sa security group ni Vice President Sara Duterte na kasama sa listahan ng persons of interest (POIs) na iniimbestigahan ng NBI kaugnay sa banta sa buhay ni President Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Matibag, batay sa pinaikli nang listahan ng POIs ay may ‘strong indication’ na ang inatasang tao ni VP Duterte ay kasama na sa nasabing listahan.

Nasa ‘six to seven percent’ din umano ang posibilidad na ang nasabing POI ay matutukoy na sa mga darating na buwan habang patuloy ang ‘open, continuing investigation’ bagamat di niya inalis ang posibilidad na hindi rin ito mangyari.

“Using human intelligence from informants on the ground, certain families of the POIs have expressed willingness to give information and these are now undergoing investigation processes,” ani Matibag.

Sa tanong ni Senator Erwin Tulfo kung maari itong magbigay ng ideya ukol sa POIs kung ano ang trabaho ng mga ito, sinabi ni Matibag na: “Without mentioning po kung sino itong mga tao na ito or yung pagkakilanlan nila kung nasaan sila, maaari po ba ninyong bigyan kami ng idea sa mga persons of interest na ito?Kung sila po ba talaga yung mga hitman o mga gun for hire or riding in tandem? Ano pong klaseng trabaho meron itong mga ito?”

Kinokonsidera umano ng NBI ang kasaysayan ng koneksyon at network ni VP Duterte at relasyon sa mga taong gobyerno, dahil sa kanyang posisyon at pagiging dating Pangulo ng kanyang ama.

“Ibig sabihin, naka-develop po ito ng mga relasyon. Unang-una na, sa mga men in uniform na hanggang sa ngayon marami po rito na na-appoint pa niya noong panahon na sila ay nandyan. Nandiyan din po, binanggit ko yung Vice President Sara sa security group. At ‘yun pong mga Davao Death Squad. So tiningnan po natin at tiningnan by process of elimination yung mga tao po na maaaring dun nanggaling or maaaring nakakaalam,” ani Matibag.

Dagda pa niya: “By process of elimination, nag-start po kami maraming individuals. Hanggang sa ma-trim down po namin nang ma-trim down. Hanggang sa ngayon, kaya sinabi ko po kahapon sa kagalang-galang sa katanungan ng ating Senate President po. Eh gaano ba katagal pa ito? And I said we have great progress dahil nagsimula po kami sa maraming ngayon na trim down na po namin siya iilan na personalidad po.”

Nang itanong ni Tulfo kung ang banta sa buhay ni Pangulong Marcos ay patuloy o maaring isagawa anumang oras ng POIs, sinabi ni Matibag na iyon na nga ang kanilang kinatatakuhan dahil di pa tukoy ang taong dapat matukoy.

“Sigurado po tayo na may kinausap at pumayag. Subalit yung pagkakakilanlan ng taong kinausap ay hindi pa rin po natin nakukuha. So ibig sabihin po, yung threat po na ito sa Pangulo is a continuing and active threat. So yun po yung gusto natin i-address dito,” pahayag ni Matibag.

Patuloy umanon ang NBI sa pakikipag-ugnayan sa Malakanyang ukol sa ‘continuing threat assessment being made by the NBI’. (JERRY S. TAN)