Advertisers

Advertisers

Gaya ni Gayoso!

0 423

Advertisers

Three – generation ng mga Gayoso ang nagsuot ng uniporme ng Blue and White.

Yung lolo ni Jarvey Gayoso na si Poch sikat sa Ateneo bilang cager. Ganoon din ang kanyang ama na si Jayvee na naging bahagi rin ng Blue Eagles at Gin Kings sa PBA. Naging artista pa kamo.

Pero ang 3rd generation na Gayoso naging tanyag naman sa football. Naging MVP siya sa UAAP at nabigyan ng dalawang titulo ang kanyang koponan.



Sa totoo lang ireng si Jayvee ay naglaro rin ng football pero tumangkad siya at nahila na sa basketball. “Hindi ko itinulak ang anak ko kahit sa anong sport, kung ano hilig niya ay suportado natin,” wika ng basketbolistang artista.

Kung manood nga ako ng mga game niya sa taas parati para hindi siya ma-pressure,”dagdag niya.



Naging paksa kasi ng usapan sa pondahan ni Aling Barang si Jayvee kasi napanood pala sa cable tv ang produkto ng Ateneo.

Dalawang pelikula na siya ang bida ang magkasunod na nasaksihan kamakailan ni Pepeng Kirat.



Yung isa yung Daddy’s Angel at ang isa pa ay ang Binibini Ng Aking Panaginip. Sa una ay may anak siyang maaga kinuha ng Dakilang Lumikha Sa pangalawa naman ay kabituin niya si Ruffa Gutierrez at mayamang playboy na nabighani ng anak nina Eddie at Anabelle Rama sa tunay na buhay.

Ang iba niyang naging movie ay ang Vampira na kasama niya sina Maricel Soriano at Christopher de Leon.

Ngayon bahagi si Jarvey ng Azkals Development Team samantalang si Jayvee ay naging coach naman para ng Rizal Crusaders sa MPBL.

***

Sa tingin ni Roland Bohol ay hindi pa panahon ni Manny Pacquiao na maging Pangulo ng Pilipinas.“Hindi siya mananalo sa Mayo,” yan ang sagot ng dating world champ na base na sa Las Vegas.

Yan ang tugon niya sa tanong ng dating scribe na si James Ty III na nakatira na rin sa Estados Unidos. Isa si James sa tumutok sa ating Boommer’s Banquet noong isang Sabado.

Binanggit pa ni Roland na ibubulong na lang sa atin ang sa opinyon ang magwawagi sa halalan. Hehehe.

***

Kahit panay ang talo nina LeBron James ngayon ay siya at ang Lakers pa rin ang pinakamabentang mga merchandising item sa buong NBA. Kaya siguro topnotcher pa rin si King James sa All-Star Fan voting.