Advertisers

Advertisers

READY TO ROAR SA ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Davao Occidental COCOLIFE Tigers..

0 224

Advertisers

MAGMULA sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) ay papalaot pa ang Lakan Cup champion Davao Occidental COCOLIFE Tigers sa mas mataas na antas ng kumpetisyong international- ang prestihi-yosong Asean Basketball League (ABL).

Ayon kay Tigers deputy manager Ray Alao, ang koponan pag-aari nina Davao Occidental Governor Claude Bautista, Cong. Claudine Bautista-Lim, manager Dinko Bautista at suportado nina COCOLIFE pres.Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque,ang magiging ikalimang prangkisa mula Pilipinas at ito ang papalit sa nakaraang Alab Pilipinas.

“Nasa proseso pa ng malaking preparasyon at team building.Ready na tayo sa ABL’, pahayag ni Alao.



Ang Davao Occidental COCOLIFE Tigers ang mag- take over sa Alab Pilipinas franchise sa paglhok ng team para sa 11th season ng ABL na sasambulat sa parating na Pebrero.

Ang iba pang lokal na prankisa na nau-nang lumahok sa ABL ay ang Air Asia Philippines Patriots,San Miguel Beermen at Pi-lipinas MX3 Kings.



“Our Tigers are ready for the biggest challenge of continuing our winning tradition”, pahayag naman ni SVP Ronquillo.

Sa linggong lto ay ihahayag na ni Alao ang kabuuan ng koponan.(Danny Simon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">