Advertisers

Advertisers

Final ballot face para sa May 9 polls inilabas na ng Comelec

0 292

Advertisers

ISINAPUBLIKO na ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ang pinal na mukha o itsura ng opisyal na balota na gagamitin para sa 2022 national and local elections sa Mayo 9.

Nabatid na kasama sa official ballot ang mga pangalan ng 10 presidential candidates at siyam na vice presidential bets.

Kabilang sa mga napasama sa presidential candidates sina Abella, Ernie; De Guzman, Leody; Domagoso, Isko Moreno; Gonzales, Norberto; Lacson, Ping; Mangondato, Faisal; Marcos, Bongbong; Montemayor, Jose Jr.; Pacquiao, Manny Pacman; at Robredo, Leni.



Kabilang naman sa vice presidential candidates sina Atienza, Lito; Bello, Walden; David, Rizalito; Duterte, Sara; Lopez, Manny SD; Ong, Doc Willie; Pangilinan, Kiko; Serapio, Carlos; at Sotto, Vicente.

Kasama rin sa balota ang mga pangalan ng 64 senatorial candidates, gayundin ang 178 party-list groups, kabilang ang mga nakakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema. (Andi Garcia)