Advertisers

Advertisers

Ginang at anak na buntis tinaga ng ka-live-in; 1 patay

0 137

Advertisers

SORSOGON CITY – Patay ang 22-anyos na limang buwan na buntis habang sugatan ang ina nito nang pagtatagain ng live-in partner ng kanyang ina sa Brgy Puro, Aroroy, Masbate.

‘Dead on the spot’ si Reyna Tugbo habang naitakbo sa ospital ang sugatang si Lorena Tugbo, 42-anyos.

Kinilala ang salarin na si Ariel Atayde Gutlay, gold panner at tubong Sitio Matungaw, Brgy. Cabangcalan ng nasabing bayan.



Sa pahayag ng Aroroy Police, umuwi umano ang salarin na nakainom at nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-live-in na nauwi sa pananaga.

Patuloy ang pagtugis ng tracker team kay Gutlay at ayon sa pinakahuling impromasyon, hindi pa umano nakakalabas ng bayan ang nasabing salarin.

Sasampahan ng kasong murder at frustrated murder si Gutlay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More