Advertisers

Advertisers

Gobyerno pinuri ni Bong Go sa modernong BFP

0 345

Advertisers

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang serbisyo sa proteksyon at pagsugpo sa mga sunog sa buong bansa.

Nitong Martes sa isang seremonya, tumanggap ang BFP ng 62 bagong unit ng fire trucks, at ito ay dinaluhan ni Sen. Go sa BFP national headquarters sa Quezon City.

Ang 1,000-gallon capacity na mga fire truck ay bahagi ng isang set ng mga pagbili na ginawa noong 2020 na inaasahang ganap na maihahatid at maipamamahagi sa mga piling lungsod at munisipalidad sa buong bansa.



Pinuri ng mambabatas ang hakbang ng administrasyong Duterte na gawing isang nangungunang institusyon ang BFP na katumbas ng mga internasyonal na pamantayan para sa pamamahala at pagpapagaan ng sunog.

“Ang pag-modernize sa Bureau of Fire Protection ng bansa ay isa sa mga pangunahing adbokasiya namin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang aming pananaw ay makakita ng mas mahusay at modernong serbisyo sa pagtugon sa sunog na may kakayahang tiyakin na ang bansang ito ay ligtas,” ani Go.

“Full support po kami … sa mga bumbero sa ating Bureau of Fire Protection. Sa katunayan, ang mga bumbero ay kasama rin sa ipinangako ni Pangulong Duterte na naging doble ang sahod sa mga entry positions noong 2018,” idinagdag ng senador.

Upang maisakatuparan ang pangarap ng Pangulo, pangunahing iniakda ni Go ang pagsisikap na maipasa ang Republic Act No. 11589 na nagtatakda para sa pagpapatupad ng 10-year modernization program.

Nilagdaan noong Setyembre 10, pinalalawak ng batas ang mandato ng BFP na isama ang mga natural at gawa ng tao na mga sakuna at rescue o emergency medical services sa pakikipagtulungan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at local government units.



“Manatili po tayong matatag dahil kailangan tayo ng ating mga kababayan. Tulad ng sabi ko, isa kayo sa mga itinuturing kong mga bagong bayani ng bayan. Kaya sana ay ipagpatuloy ninyo ang paglilingkod sa ating bayan at pagiging kaakibat sa mga hangarin ng gobyerno na mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang mga Pilipino,” apela ng senador.

Hinimok ni Go sa mga dumalong bumbero na ipagpatuloy ang paglilingkod sa abot ng kanilang makakaya habang ipinapakita sa mga komunidad ang parehong pakikiramay at dedikasyon na itinataguyod nila ni Pangulong Duterte.

“Kami ni Pangulong Duterte, nandito lang kami at handa kaming magserbisyo … Patuloy din namin na ipaglalaban ang inyong mga pangangailangan sa abot ng aking makakaya,” pangako ni Go.