Advertisers
LUMIPAD na kahapon Biyernes ng umaga patungong Beijing ang maliit na delegasyon na tutulong sa kampanya ni Asa Miller na sasabak sa Winter Olympics, isang linggo bago ang opening ceremony sa Chinese capital.
Chef de Mission Bones Floro at Athlete Welfare officer Joebert Yu ay sasakay ng Japanese Airlines flight mula Manila hanggang Tokyo at didiretso sa Beijing, na host sa kanilang ikalawang Olympics matapos ang 2008 Summer Games.
“It’s all systems go for the departure of Team Philippines to Beijing,” Wika ni Floro. “We have been complying with all the Covid-19 countermeasures and protocols for travel to the Beijing Olympic bubble.”
“We made sure that Asa’s only concerns are his training and competitions,” dagdag pa nya.
Miller, ang kanyang Tatay Kelly at Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Apelar ay inaasahang lilipad mula Los Angeles patungong Beijing sa Linggo, kasama si Philippine Skating Union president Nikki Cheng, itinalaga bilang delegation’s Covid-19 Liason Officer, na sasakay sa hiwalay na biyahe mula Manila.
Ang American coach ni Miller na si Gregorak ay darating sa China mula US kahit anong araw sa susunod na linggo.
Ang Winter Olympics ay magsisimula sa Pebrero 4, na ang Filipino – American Miller ang tanging kinatawan ng bansa sa Games — ay sasabak sa alpine skiing’s men’s slalom and giant slalom simula sa Pebrero 18 sa Xiaohaituo Alpine Skiing field sa Yanging District.
Pinuri ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang 21-year-old Miller na nakapasa sa qualifying sa ikalawang sunod na Winter Games matapos ang Pyeongchang sa 2018.
“It’s really an honor that our tropical country has a representative for the third straight Winter Olympics. We’re lucky to have Asa [Miller],” Sambit ni Tolentino.
Miller na nakabase sa Portland, ay dadalhin ang bandela ng bansa sa parade of countries sa opening ceremony sa Beijing National Stadium or Birds Nest.