Advertisers

Advertisers

Top 100!

0 19

Advertisers

Sa huling halalan mayroong top 12 na mga senador na siyang nagsipanalo. Sa recording industry may top 40 na mga pinakasikat na mga plaka sa isang partukular na linggo o panahon.

Ang NBA nagkaroon na ng top 75 na mga player nang umabot sila ng 75th season. Ganoon din naman ang PBA na namili ng kanilang top 50 na mga cager ngayong papasok na sila sa kanilang golden year.

Nitong nakaraang linggo naglabas ang Bleacher Report na top 100 na mga basketbolista o mga GOAT na all-time sa NBAm

Kabilang sa kanilang top 5 ayon sa pagkakasunod ay sina Michael Jordan, LeBron James, Kareem Abdul-Jabbar, Magic Johnson at Bill Russell.

Yung sumunod na lima ay sina Shaq O’Neil, Tim Duncan, Larry Bird, Wilt Chamberlain at Steph Curry.

May mga tagahanga si Kobe Bryant na nagrerklamo na pang- 11 lang kanilang idolo. Siyempre may mga babatikos sa listahan. Si Ka Berong sang-ayon sa unang 10. Nguni’t si Tata Selo may kaunting puna. Dapat daw ahead si Wilt kay Shaq. Ire naman si Pepeng Kirat ay una sa lahat kailangan si LBJ.

Kayo sang- ayon ba kayo sa top 10?

***

4-3 o 4-2 pabor sa TNT ang prediksyon ni Mang Tomas sa serye nila vs SMB para sa Philippine Cup crown.

Mas matindi raw kasi ang motibasyon ng Tropang 5G kaysa Beermen. Bukod sa nakatayang conference title ay nakasalalay din sa panalo dito ang grandslam ng prangkisa ni MVP. Kung noong 2011 ay pingilan sila ng magseserbesa para sa tatlong kampeonato sa iisang season ay hindi na sila papayag maulit ito ngayon.

***

Eka ni Buboy Fernandez ay magwawakas lang sa ikatlong round ang Pacquiao-Barrios bout bukas.

Pero hindi yata malinaw kung sino nakatayo pa sa dalawa sa Las Vegas sa end ng Round 3. Yun bang kababata ni Buboy o yung katunggaling Mehikano?

***

Proud na proud si Kiefer Ravena na makasama mga sikat na mga NBA hoopster sa pa-event ng Nike kamakailan.

Aba malaking karangalan nga naman kabilang siya sa talaan ng Jordan brand na mga endorser.

Siyempre pinangunahan yan ni MJ. Kasali din sina Luka Doncic at Carmelo Anthony.

Tinagurian na Board of Greatness ang event na ginanap sa Athens, Greece.

May sinabi pa nga si His Airiness sa anak ni Bong R nang makausap ito doon.

“ You know nobody gets signed here without my approval. Keep doing your sh*t.”