Advertisers

Advertisers

Estudyanteng mamboboso nahuli-cam sa grocery

0 21

Advertisers

NAGHULI-CAM ang isang 23-anyos na lalaking college student habang binobosohan gamit ang cellphone ang ilalim ng palda ng babaeng may-ari ng isang Korean grocery store sa Muntinlupa City.
Sa ulat, makikita sa CCTV footage na nagpatulong muna ang lalaki sa babaeng may-ari ng tindahan para ipaluto ang instant noodles.
Nang tumalikod ang babae, agad inilagay ng lalaki ang cellphone sa ilalim ng kaniyang palda at kumuha ng mga litrato.
Ayon sa biktima, may naramdaman siyang dumampi sa kaniyang likuran kaya agad siyang humarap sa lalaki.
Agad niyang sinuri ang CCTV footage at iniulat ang insidente sa mga tauhan ng barangay upang komprontahin ang estudyante.
Ayon sa biktima, sinabi ng lalaki sa mga awtoridad na binura na niya ang mga litrato nang tanungin siya tungkol dito.
Sa barangay hall, sinabi ng biktima na umamin ang lalaki sa ginawa nito, at sinabi ring hindi iyon ang unang pagkakataon na ginawa niya ang kasalanan.
Nang balikan ng may-ari ng tindahan ang mga naunang CCTV footage, nakumpirma niya ang sinabi ng lalaki.
Hindi makapaniwala ang may-ari ng tindahan sa nangyari, lalo na’t tatlong taon na nilang suki ang estudyante.
Ayon kay Barangay Police Officer Alexis Patnugot, handa panagutan ng pamilya ng lalaki ang ginawa ng kanilang kaanak. Ngunit tutol sila sa pagpo-post ng biktima ng CCTV footage ng insidente sa social media, na naging viral.
Sinabi rin ng may-ari ng tindahan na agad niyang iniulat ang insidente sa Muntinlupa Police noong gabi ng insidente nitong Miyerkules.
Kinumpirma ng biktima na nakapaghain na siya ng pormal na reklamo sa piskalya.