Advertisers
OPTIMISTIKO si Philippine Olympic Committee( POC) President Abraham ‘Bambol Tolentino na malalagpasan pa ang 4-gold harvest noong nakaraang Asiad sa Hangzhou,China.
Patungo na ng homestretch ang mga bakbakan sa best sports spectacle sa kontinente ng Asia na Aichi Nagoya Asian Games 2026 sa Japan.
Gaya ng inaasahan dominante ng higante ang paghakot ng medalya sa pangunguna ng China na sinundan ng Japan at South Korea sa top 3.
Kabuntot ang mga ‘istan nations na Kazakhstan at Uzbekistan na mga dating Russian Republics.
Our very own Philippines ay may 2 golds na kortesiya ni prized gymnast best bet Carlos Yulo pero pwede pang madagdagan ito sa ibang disciplines kung saan ay malakas ang Pilipinas.
Nag-ambag ng silver medals ang Gilas women’s 3×3 basketball at Jean Claude Sacdal sa mixed martial arts traditional habang bronze ang naiuwi ni Carlos Alvarez sa MMA,Marie June Adriano sa karate,Philippine Karate team women’s kata at Philippine women’s soft tennis team.
Gold medal hopeful din sina pole vaulter EJ Obiena ng athletics at Alex Eala sa tennis singles at doubles at surprise package ang Ph Sepak Takraw team at sana ay di mamaalam sa gold si boxer Carlo Paalam at iba pa na sosorpresa ng medalya para sa Pilipinas.
“Ating suportahan at i- cheer ang pambansang atleta natin.Laban Pilipinas…todo na ‘to!,” wika ni Bambol.
Best of luck TEAM PHILIPPINES..
MABUHAY!
***
KARAPATAN NG IP’S PANGALAGAAN-DATU GAVELINO
IPINABABATID sa kinauukulan ni Datu Delampangan Enrique Rubio Gavelino ng IP -LUZVIMINDA ang napipintong dagok sa mga katutubo dahil sa panghihimasok ng mga maimpluwensya partikular sa kanilang minanang lupain mula sa kanunu-nunuan.
Kamakailan ay lumutang na sa kaalaman ng publiko na ang malaking bahagi ng ancestral land sa Capas ,Tarlac ang pinagnanasaang hablutin ng mga tulo-laway na buwitre sa lupa upang bigyang- daan umano ang pag-asensong teknolohikal in lieu of agricultural.
Teknik ng mga switik na di naman inaangkin ang lupain dahil babayaran naman sila ng barya pansamantala hanggang pagdating ng araw aywala nang aasahang kabuhayan ang mga nabudol na katutubo.
” Suportado natin ang gobyerno parikular sa development pero di dapat yurakan at balewalain ang karapatan ng mga IP’s.”, pahayag ni Gavelino sabay kalampag sa kinauukulan sa NCIP.
Huwag gawing bano ang mga katutubo na gumagawa na ng hakbang upang pigilan ang pagtatayo ng Pax Silica sa kanilang balwarte. Prevention is better than cure ‘ika nga!