Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 16,953 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Linggo, Enero 30.
Samantala ay mayroon namang naitalang 27,638 na gumaling at 20 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (202,864) ang aktibong kaso, 92.8% (3,288,925) na ang gumaling, at 1.52% (53,891) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 28, 2022 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.03% sa lahat ng samples na naitest at 0.03% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)