Advertisers

Advertisers

‘Word war’ Guanzon vs Ferolino sa DQ laban kay Marcos

0 355

Advertisers

NAGPALITAN ng tirada sina Commission on Elections (Comelec) commissioners Rowena Guanzon at Aimee Ferolino sa pagresolba sa mga disqualification cases na inihain laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sa isang liham ni Felino na may petsang Enero 28 na naka-address kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ay humiling sa poll body na suriin ang mga pagpapakita ni Guanzon sa telebisyon at social media, na nagsasabing maaring nakalimutan niya ang sub judice rule sa kanyang kagalakan at pananabik.

Sa kanyang pagpapaliwanag kaugnay sa reklamo ni Guanzon na “sinasadya” niyang inaantala ang paglabas ng resolusyon sa pinagsama-samang mga kaso laban kay Marcos Jr., sinabi niyang ang ponente o ang taong inatasang sumulat ng resolusyon, ay naging paksa ng kastigo mula kay Guanzon, na siyang presiding commissioner ng 1st Division ng Comelec na humahawak sa mga disqualification cases laban kay Marcos Jr.



Sa kanyang social media account noong Sabado, si Guanzon ay nag-post ng isang memo na may petsang Enero 28, na nag-uutos kay Ferolino na tumugon sa pagkaantala at sinabing “not later than 31 January 2022, 12 noon, as to why you have delayed the release of your ponencia. For strict compliance.”

Aniya ang kaso ay mahigit dalawang linggo nang nasa opisina ni Ferolino.

“In as much as I am retiring on 2 February 2022, I have no other conclusion than that you are deliberately delaying the release of your ponencia until after I retire in order to defeat my vote. This way, my Separate Opinion will not be attached to the Majority Resolution and will not form part of the records,” saad sa kanyang memo.

Gayunpaman, sinabi ni Ferolino, sa kanyang liham kay Abas, na sinubukan ni Guanzon na impluwensyahan ang kanyang desisyon.

“In all honesty Chair, it was not only the date of the promulgation that she imposed upon me. She also consistently took liberties in telling me to adopt her opinion. It is quite appalling that Commissioner Guanzon was able to draft an opinion when the Ponencia has not yet submitted the resolution and all the case records are in my possession,” sinabi ni Ferolino sa kanyang tatlong pahinang liham.



“She even issued a Memorandum incorpo-rating her separate opinion on a resolution that is yet to be released. The Presiding Commissioner of the 1st Division is putting the cart before the horse to justify her demands.”

Tungkol naman sa 15 araw na ibinigay para maglabas ng resolusyon sa kaso, ito ay nalalapat lamang sa isang kaso, sinabi ni Ferolino, na ang parehong panahon ay hindi maaaring ilapat sa mga pinagsama-samang kaso tulad ng sa kaso ng dating senador.

“Why rush, when this Commission decides cases on the merits and not for publicity or to accommodate and please anybody or somebody,” sinabi niya sa kanyang liham, at idinagdag na ang kaso ay dapat ituring bilang anumang iba pang mga kaso sa harap ng Komisyon kung saan ang mga resolusyon ay maingat na pinag-aaralan, sinusuri, at pinag-iisipan.

“I reiterate, that in resolving the Marcos case, my office is well within the timelines, and well within the bounds of the rules,” sabi pa ni Ferolino.

Idinagdag ni Ferolino na ang pagsisiwalat ni Guanzon sa publiko na siya ang ponente ng kaso ni Marcos ay maglalantad sa kanya sa posibleng panggigipit mula sa iba’t ibang personalidad at organisasyon, at magdulot ng banta sa kanyang kaligtasan at seguridad.

Noong Huwebes, ibinunyag ni Guanzon na bumoto siya para madiskuwalipika si Marcos sa 2022 presidential race dahil sa hindi pag-file ng income tax returns, bukod sa iba pa. (Jocelyn Domenden)