Advertisers

Advertisers

Covid vaccination sa mga edad 5-11 umarangkada na

0 151

Advertisers

UMARANGKADA na nitong Lunes ang pilot rollout ng COVID-19 vaccination sa mga batang nasa lima hanggang 11-taong gulang sa bansa.

Sinimulan ang bakunahan sa anim na lugar sa National Capital Region (NCR), kabilang ang Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center (PCMC), National Children’s Hospital NCH), Manila Zoo, SM North Edsa (Skydome) at Fil Oil Gym sa San Juan City.

Si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang nanguna sa pilot rollout ng vaccination sa PCMC kung saan nasa 85 bata ang binakunahan nitong Lunes.



Pinaalalahanan pa ni Duque ang mga magulang na huwag kalimutang ibalik ang kanilang mga anak sa bakunahan matapos ang 21-araw para sa second dose ng bakuna ng mga ito.

Hinikayat pa niya ang mga magulang na tulungan ang pamahalaan na ipakalat ang kaalaman hinggil sa pediatric vaccination at himukin ang ibang magulang na nagdadalawang-isip pa, na pabakunahan na rin ang kanilang mga anak laban sa COVID-19. (Jonah Mallari)