Advertisers
IKINAKASA na ng transport group ang malawakang transport strike dahil sa sunud-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Orlando Marquez, Pangulo ng Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas, posibleng magkaroon ng isang One Time Big Time Nationwide Transport Strike sa gitna ng sunod-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Marquez na nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang iba’t ibang mga lider ng transportasyon hinggil sa malawakang tigil-pasada.
Matatandaang, noong Pebrero 15 ang ika-7 sunod na linggong nagmahal ang presyo ng langis. Wala pang nagaganap na rollback sa langis ngayong 2022.