Advertisers
NASA heightened alert ngayon ang mga awtoridad sa lalawigan ng Maguindanao matapos ang malakas na pagsabog sa gitna ng kalsada Miyerkules ng hapon.
Ayon kay Capt. Fayeed Cana, Maguindanao provincial police office spokesperson, 4:00 ng hapon ginulantang ng pagsabog ang mga motorista at residente malapit sa national highway sa Sitio Baca, Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Inaalam na rin kung may kinalaman sa pulitika ang pagsabog ng bomba dahil sa pagdaan ng convoy ni reelectionist Vice Governor Lester Sinsuat na patungo sana sa Barangay Dalican ng naturang bayan.
Wala naman naiulat na sugatan o nasawi sa nasabiing pagsabog habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.