Advertisers

Advertisers

Lalaking galing sabungan, patay sa ambush

0 485

Advertisers

Patay ang isang sabungero nang tambangan at pagbabarilin habang sakay ng kaniyang SUV sa Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Junjun Dayao, 44, ng Barangay Salindeg, Vigan Ilocos Sur.

Ayon sa pulisya, kagagaling lang ng sabungan ang biktima at pauwi na nang pagbabarilin siya ng mga salaring sakay ng motorsiklo sa Barangay Don Lorenzo Querubin sa bayan ng Caoyan.



Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima, na dati umanong drug surrenderee.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilan ng mga salarin at motibo sa krimen.