Advertisers

Advertisers

Misis, 4 anak hinostage ng ‘bangag’ na mister

0 15

Advertisers

KULONG ang isang mister na hinihinalang bangag sa droga nang i-hostage ang misis at apat na paslit na anak sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Along-ong, Libon, Albay, Biyernes ng umaga.
Nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso ang salarin na kinilalang si Edgar.
Matagumpay namang nasagip ng mga rumespondeng pulis ang ginang at apat na anak, na ang panganay ay 8-anyos habang mahigit 1-taongl gulang ang bunso makaraan ang mahigit isang oras na pangho-hostage ng ama.
Walang tinamong mga sugat ang mga biktima maliban sa matinding trauma na kanilang inabot kaya kasalukuyan silang sumasailalim sa counseling.
Sa ulat ng Police Regional Office 5, umaga noong Biyernes, armado ng basag na bote at kahoy sa hindi malamang dahilan nagbanta ang mister na sasaktan ang kanyang mag-iina, at biglang ikinulong nito sa loob ng bahay ang asawa at tatlong anak habang ang pinakabunso ay sinunggaban at hinawakan ng patiwarik.
Inabutan pa ng mga pulis ang ama na hawak-hawak ang bunsong anak na nakapatiwarik kaya pinakausapan bitawan at pakawalan ang kanyang mag-iina at pag-usapan kung ano ang problema nito, pero tumanggi ito.
Dahil sa nakikitang hindi kumakalma ang ama, na sa tingin ng mga pulis ay lasing at pinangangambahang umabot sa pananakit ang pangho-hostage, dinamba nila ito nang makakuha ng tiyempo at matagumpay na naagaw ang paslit at mabilis na pinasok ang bahay at nasagip ang mag-iina.