Advertisers

Advertisers

1 sundalo, 3 terorista patay sa ‘air strike’

0 317

Advertisers

Gumamit ng “air support” ang militar upang suportahan ang mga sundalo sa isinagawang operation sa pinagkukutaan ng Dualah Islamiya- Maute Group sa bulubunduking bahagi ng Maguing Lanao del Sur nitong Lunes.

Ayon kay LtCol Maynard Marinao, PA, nagsagawa ng air strike gamit ang super Tucano at FA 50 upang suportahan ang mga sundalo mula sa 103rd Infantry Brigade sa isinagawang operation 2:00 ng madaling araw sa Brgy. Ilalag, Maguing, Lanao del Sur.

“It’s a lot of other aircraft that was on the area so talagang full support ‘yun air force dito sa naganap na focused militar operation,” ani ni Marinao.



Samantala, sinabi ni Maj. Andrew Linao, Western Command spokesperson na umabot sa 12 bomba ang ibinagsak ng Air Force sa kuta ng mga terorista.

“Yung air assets natin, two air assets, clasification ng air asset then naglaglag ng sampung bomba, and then follow up, after dun sa sampu follow up na dalawa, so all in all nasa 12 yung bomb run na naexecute.” saad ni Linao

Sinabi ni Linao na nasa 40 miyembro ng Daulaw Islamiya-Maute Group sa pamumuno ni Abu Zacharia ang target ng operation.

Sa initial na report sinabi Linao na 3 terorista at 1 sundalo ang nasawi at 3 sundalo ang sugatan sa bakbakan.

Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo laban sa mga nagtatakbuhab mga terorista.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">