Advertisers

Advertisers

Mister patay sa kabit ni misis

0 468

Advertisers

PATAY ang isang mister habang sugatan ang kaibigan nito nang pagtatagain ng chief tanod na kalaguyo ng kanyang misis sa Nueva Viscaya nitong Biyernes.

Agad na nasawi ang biktima na itinago sa pangalan Tino, 34 anyos; habang ginagamot naman sa ospital ang kaibigan nitong si Dino, 37, di-tunay na pangalan at kapwa residente sa Brgy. San Leonardo Bambang, Nueva Vizcaya.

Naka-hospital arrest naman ang salarin na itinago sa pangalan Boyong, at chief tanod ng nasabing lugar.



Sa report ng Bambang Police Station, bago ang insidente nag-inuman ang magkaibigang Tino at Dino pero pagkatapo ng inuman at niyaya ng una ang huli na sunduin ang kanyang misis sa vegetable garden sa Purok 4, San Leonardo .

Pagdating sa lugar nakita ni Tino ang kanyang misis nasa loob ng kubo kasama ang salarin na si Boyong.

Nagalit si Tino kaya sinugod nito ang salarin at sinaksak subali’t mabilis nakakuha ng itak si Boyong pinagtataga si Tino sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sunod naman hinabol ni Boyong si Dino at pinagtataga rin.

Matapos ang pananaga tumakas si Boyong pero kalaunan at naaresto rin ng mga pulis sa ginawang hot pursuit operation.



Nahaharap ngayon ngayon sa homicide at frustrated homicide si Boyong.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.