Advertisers

Advertisers

Adik na pulis tinumba

0 496

Advertisers

Patay ang isang daΒ­ting parak na natanggal sa serbisyo makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem na mga armadong salarin sa harapan ng isang unibersidad sa Bacolod City, Negros Occidental.

Kinilala ni P/Major Leo Estopa, commander ng Police Station 6 ng Bacolod City Police ang nasawing biktma na si Ryan Lumogdang, 41 , residente ng Brgy. Estefania ng lungsod.

Dead-on-the-spot si Lumogdang sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.



Sa ulat, 10:00 ng gabi noong Huwebes habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at bumabagtas sa harapan ng University of Negros Occidental Recoletos sa kahabaan ng Lizares Extension, Brty. 40 nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong salarin saka pinagbabaril ang una.

Ayon sa report, duguang tumilapon si Lumogdang sa motorsiklo na agad nasawi sa insidente habang mabilis na tumakas ang mga salarin.



Nabatid na ang biktima, dating may ranggong PO1 na natalaga sa Bacolod City Police Stations 1, 2,3 at 4, bago nalipat sa Anti-Illegal Special Β­Operations Task Group at na-dismiss sa serbisyo noong 2017 ng magpositibo sa random drug test.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">