Advertisers

Advertisers

BATANG ECOZONE NATIONAL ASSEMBLY, NAGKAISA PARA SA KAPAKANAN NG MANGGAGAWA!

0 39

Advertisers

Pinalalakas ng BATANG ECOZONE ang hanay nito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa nang magtipon ang mahigit 500 miyembro mula sa 13 lugar na nagsagawa ng kani-kanilang assembly, kasabay ng pagdaraos ng National General Assembly nitong Oktubre 30, 2026.

Layunin ng pagtitipon na patatagin ang organisasyon, palawakin ang membership at isulong ang mga konkretong programa para sa kapakanan ng mga manggagawa, kanilang pamilya, maliliit na negosyante, service providers at buong komunidad sa mga economic zone.



Sa mensahe ni National President Engr. Jerenato β€œJerry” D. Alfante ng Batang Ecozone, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang tinig at malinaw na direksyon upang mas epektibong maisulong ang mga pangangailangan, karapatan at kapakanan ng buong Ecozone Community.

Ayon kay Alfante, hindi lamang dapat manatili sa mga talakayan ang mga layunin ng organisasyon kundi maisalin ang mga ito sa mga programang direktang mararamdaman ng mga manggagawa.



Kabilang sa mga konkretong hakbang na inilapit ng BATANG ECOZONE ang pakikipag-ugnayan sa PhilHealth upang mailapit sa mga manggagawa ang YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) at mapalawak ang kanilang access sa serbisyong pangkalusugan.

Nagkaroon na din ng klinika sa loob ng PEZA na may doktor na nagbibigay ng serbisyong medikal mula Lunes hanggang Linggo upang mas mapadali ang pagpapakonsulta ng mga manggagawa.



Sa larangan naman ng transportasyon at kabuhayan, nakipag-ugnayan ang organisasyon sa Sazgar Philippines Inc. upang makatulong sa pagkakaroon ng mas maginhawang transportasyon para sa mga manggagawa.

Kasabay nito, layunin ding mabigyan ng pagkakataon ang mga e-trike driver na magkaroon ng sariling electric vehicle (EV) na maaari nilang gamitin bilang pagkakakitaan at pangmatagalang kabuhayan.

Isa rin sa mga isinusulong na proyekto ang paglalagay ng hydrogen-based decarbonization technology sa pakikipagtulungan sa PHLLinks Innovation, Inc. bilang bahagi ng pagsusulong ng makabago at environmentally responsible na teknolohiya sa mga economic zone.

Bukod dito, nakatakda ring lumapit ang BATANG ECOZONE sa iba pang sangay ng pamahalaan upang maisulong ang pagkakaroon ng AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) para sa mga manggagawang nangangailangan ng karagdagang tulong.

Samantala, sa kanyang welcome and opening remarks, hinimok ni Executive Vice President Froilan S. Sanchez ang mga opisyal, lider at miyembro na gamitin ang National General Assembly bilang pagkakataon upang magkaisa, makinig sa isa’t-isa at maglatag ng mga konkretong hakbang para sa kinabukasan ng organisasyon.

Binigyang-diin din ni Sanchez ang kahalagahan ng bukas na talakayan, respeto, pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng bawat kasapi.

Kabilang din sa mga opisyal na bahagi ng programa sina Chairman Roy Gurango, Vice President for Visayas Ma. Elena M. Fernando, at Vice Secretary General Atty. Reden R. Delatore.

Tinalakay sa assembly ang layunin, bisyon at misyon ng BATANG ECOZONE, gayundin ang Constitution and By-Laws na magsisilbing pundasyon ng organisasyon sa usapin ng membership, pamumuno, pananagutan, transparency, financial management at gender equality.

Layunin ng BATANG ECOZONE na maging isang matatag, nagkakaisa, ligtas at maunlad na komunidad kung saan may pagkakataon ang mga manggagawa, pamilya, negosyo at iba pang kasapi na magkaroon ng mas magandang kalidad ng buhay.

Naging bahagi rin ng pagtitipon ang mga guest speaker mula sa PhilHealth YAKAP Ms. Sylvia India at MPM Chairwoman Mary Jane Murillo, na nagbahagi ng impormasyon kaugnay ng mga serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga manggagawa at kanilang pamilya sa pamamagitan ng AICS.

Bilang bahagi ng pagpapalawak ng organisasyon sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang sa mga area coordinators ang mga sumusunod:

  1. Batangas – Jed Grimaldo
  2. Calamba – Noel Bundalian
  3. General Santos – Hosen Satorre
  4. West Cebu – Lorna Puno
  5. Cebu-Danao – Thomas Pantukan
  6. Subic – Koya Alfonso Borda
  7. Clark-Tarlac – Danilo Adrias at Annalyn Adrias
  8. Cavite – Joan Banasig
  9. Camarines Norte – Jose Panganiban at Allan Manzana
  10. Zamboanga – Albien Abarro
  11. Baguio – PJ Misa
  12. Leyte – Danilo Dumaging
  13. Laguna Techno Park – Jesus Alleluya

Sa pamamagitan ng mga area coordinators, inaasahang higit pang mapapalawak ang ugnayan ng organisasyon sa mga manggagawa at iba pang sektor sa iba’t ibang economic zone.

Iginiit ng mga lider na ang tagumpay ng BATANG ECOZONE ay hindi lamang nakasalalay sa mga namumuno kundi sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng bawat kasapi.

Sa huli, nanawagan si Alfante sa lahat ng miyembro na makiisa, makibahagi at maging aktibong bahagi ng mga programa at adhikain ng organisasyon.

β€œNagkakaisang Tinig, Sama-samang Pag-unlad, Para sa Buong Pamayanang Ecozone” ang prinsipyong nais isabuhay ng BATANG ECOZONE sa pagsusulong ng mas maayos na serbisyo, oportunidad at kinabukasan para sa buong komunidad.

Samantala, naghatid naman ng pangwakas na mensahe si Gen. Federico E. Laciste Jr., Vice President for Mindanao, bilang hudyat ng pormal na pagtatapos ng National General Assembly.