Advertisers

Advertisers

π˜”π˜ˆπ˜Žπ˜šπ˜ˆπ˜šπ˜ˆπ˜’π˜ˆ, π˜’π˜ˆπ˜›π˜œπ˜›π˜œπ˜‰π˜– π˜ˆπ˜› π˜”π˜ˆπ˜•π˜Žπ˜π˜•π˜Žπ˜π˜šπ˜‹π˜ˆ, π˜—π˜™π˜π˜–π˜™π˜π˜‹π˜ˆπ˜‹ 𝘚𝘈 π˜šπ˜–π˜”π˜ˆ π˜•π˜ π˜”π˜ˆπ˜ π˜–π˜™ π˜—π˜œπ˜‘π˜Œπ˜‹π˜ˆ π˜•π˜Ž π˜Žπ˜Œπ˜•π˜Œπ˜™π˜ˆπ˜“β€―π˜•π˜ˆπ˜’π˜ˆπ˜™!

0 35

Advertisers

GENERALβ€―NAKAR, Quezon β€” Inilabas ni Mayor Alfredoβ€―J.β€―Pujeda sa kanyang unang State of the Municipality Address ang mga natapos na proyekto at mga programang nakatutok sa pag‑angat ng kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo sa bayan.

Dito ay ipinaliwanag niya ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang masigurong ang kaunlaran ay mararamdaman ng bawat residente.



Anya, hindi ito nakikita sa mga gusali ang tanda mg pag-unlad kundi tunay na pagbabago at tapat na serbisyo ng isang namumuno sa bayan.

Inilunsad din nito ang “DA’s 4K Program”, sa pagbibigay ng mga kalabaw, kabayo, kambing, makinarya mga pataba at binhi na ipinamahagi sa mga katutubo at magsasaka para iahon sa hirap ang pamumuhay ng mga ito.



Dagdag ni Mayor Pujeda, sinimulan ang paggamit ng pasilidad sa paggawa ng organikong pataba na ibinebenta sa makatuwirang presyo sa Brgy., Magsikap.

Habang 10 – fish aggregating device ang Inilagay sa dagat para maging masagana ang huli ng mga mangingisda nitong kababayan.



Patuloy naman ang pagtanggap ng lokal na pamahalaan ng Gen. NakareΓ±o ng mga fingerlings sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at babala sa illegal fishing o pangingisda.

Kahit sa unang State of the Municipality Address pa lamang ani Mayor Pujeda sa kanyang pamumuno.

Ang lahat anya, ay bahagi ng mas malawak na plano para matiyak ang kaunlaran at umabot ito sa mga pamilyang umaasa sa pangingisda at agrikultura.