Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si acting presidential spokesperson Karlo Nograles bilang Ad interim chairman ng Civil Service Commission (CSC).
Nanumpa na kay Pangulong Duterte si Nograles nitong Marso 8, 2022.
Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Nograles noong nakaraang Marso 4 na kung saan tatagal ang kaniyang termino hanggang sa darating na Pebrero 2, 2029.
Base sa pagkakahirang niya ay nakasaad sa probisyon ng Section 16, Article 7 ng 1987 Constitution at umiiral na mga batas.
Pinalitan ni Nograles si dating CSC chairman Alicia Dela Rosa-Bala na nagretiro noong Pebrero 2.
Samantala, tikom ang bibig ng Palasyo ng Malakanyang kung sino ang papalit kay Nograles bilang acting spokesperson at cabinet secretary. (Vanz Fernandez)