Advertisers

Advertisers

Public at private clinics gagawing vaccination site – Duque

0 333

Advertisers

PLANO ng pamahalaan na buksan na rin bilang vaccination sites ang mga public at private clinics sa bansa.

Bilang bahagi umano ito ng “Resbakuna sa mga Botika” na inilunsad ng Department of Health (DOH) noong Enero 20, at unang nilahukan ng pitong botika at pribadong klinika sa Metro Manila.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, layunin nitong palawakin pa ang pagbabakuna sa bansa at mas marami pang Pinoy ang mabakunahan kontra COVID-19.



Anang kalihim, sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Medical Association (PMA) hinggil sa naturang inisyatiba. (Andi Garcia)