Advertisers

Advertisers

NBI MAY LEAD NA SA MISSING SABUNGEROS

0 217

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na mayroon ng lead ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkawala ng 34 na mga sabungero.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi malayong walang maiiwang bakas sa pagkawala ng 34 na sabungero sa halos magkakaparehong sitwasyon.

Ayon kay Guevarra, positibo rin sila sa itinatakbong imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagkawala ng mga ito.



Nauna nang sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Eliseo Cruz na may hawak na silang anim na testigo sa kaso.