Advertisers

Advertisers

Pwede gumawa ng project sa iba…Lloydie ‘di nakakontrata sa Siyete; Janine at Paulo aamin na ng relasyon pagkagaling sa Tate

0 190

Advertisers

Ni BETH GELENA

HINDI pala ekslusibo ang kontrata ni John Lloyd Cruz sa GMA-7.
Mismong sa bibig ng aktor nanggaling na hindi siya exclusive sa Kapuso Network.
Unang pumirma ng kontrata si JLC sa production ni Willie Revillame (WBR Productions, Inc.) para sa appearance niya sa TV special ni Kuya Wil for GMA 7 last year, June 6.
Kamakailan lang ay klinaro ng actor na hindi siya exclusive contract artist ng GMA-7.
Nakakontrata raw siya sa talent agency ni Maja Salvador, ang Crown Artist Management.
“Actually po sa totoo lang, technically, ako po ay under Crown Artist Management. Sila ang management ko, independent of any network. Tapos, meron akong show with GMA na line-produced by Bobot Mortiz,” sey ni Lloydie.
Dagdag pa niya, “Ako, ‘yung agreement ko is between myself and direk Bobot. Wala akong kontrata with GMA.”
“Technically, I am not a contract artist ng Kapuso network. Meron lang kaming show,” lahad pa ng aktor.
Last month, nasabi ng Star Magic head Lauren Dyogi na nirerespeto niya ang desisyon ng mga former Kapamilya celebrities na naglipatan ng ibang network.
Ang reaksyon ni JLC tungkol dito.
“Unang-una, I would always respect the decision of every individual kasi hindi ko naman hawak iyong buhay ng bawat isa sa kanila. I mean, they made their decisions based on their lives’ circumstances, hindi na natin maaano iyon, hindi ko makukuwestiyon iyon kung may pangangailangan sila o may plano sila sa buhay na sa tingin nila, hindi maibibigay ng ABS at Star Magic. That’s their option.:
Esplika pa niya: “But I also like to say na para sa akin, mas importante iyong mga kasama ko ngayon dito. I don’t like to even spend my energy and my time thinking about who left because they’ve decided to move on and left. I’d like to pour my energy and my focus and my love to the ones who are here kasi iyon naman ang importante, e, iyong kasama mo ngayon sa hirap at ginhawa.”
Ibig bang sabihin nito, pwede pa rin#.gumawa ng project si JLC sa Kapamilya Network?
May sumagot, Hmmm… siguro, if the price is right?”
May ganun? Just saying!!!
***
MAYMAY TULOY ANG PAG-AARAL SA CANADA
KASALUKUYANG nasa Canada pa rin si Maymay Entrata para tuparin ang pangarap niyang doon makapag-aral.
Desisido ang Kapamilya young actress-singer na tuparin ang isa sa matagal niyang pangarap — ang makapagtapos ng pag-aaral.
Ayon kay Maymay, matagal na niyang planong ipagpatuloy ang pag-aaral at makakuha ng college diploma.
Nagbigay ng bagong update si Maymay ng mga kaganapang nangyayari sa kanya sa Canada.
“Ang buhay ko rito sa Canada ay masayang-masaya. Kasi matagal ko na po talagang pinlano na mag-study abroad.
“At alam ‘yan ng nanay ko kahit hindi pa po ako artista. Tapos ayun na nga, nangyari na siya, kaya sobrang masaya po sa pakiramdam,” pahayag ng former grand winner ng Teen Pinoy Big Brother.
Maging ang lovelife ni Maymay ay kanyang ibinalita.
Sey ni Maymay naging extra special ang love month para sa kanya dahil nakasama niya ang non-showbiz boyfriend.
Last Valentine’s Day ay pinost ng actress-singer ang non-showbiz boyfriend sa kanyang socmed.
“Ang buong February ko ay masayang-masaya po. ‘Yung puso ko ay masaya, siyempre kasama ko ang special sa puso ko.
“Tapos isa na rin siguro dahil itong February na ito, marami sa pamilya ko ang nag-birthday kaya grabe, punumpuno ng selebrasyon,” sambit pa ng dalaga.
Matatandaang noong Araw ng mga Puso, ay ginulat ni Maymay ang kanyang fans at social media followers nang ibalandra niya ang larawan ng boyfriend kasama siya na nilagyan niya ng caption, “Valentino.” Hindi niya pinangalanan ang guy.
Samantala, hanggang ngayon ay umaalagwa ang single ni Maymay na Amakabogera.
Nagpasalamat siya sa kanyang fans dahil nakakuha na ng mahigit 12 million views ang music video sa official YouTube channel ng Star Music.
***
KASAMA ni Ogie Alcasid ang rumored couple na sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa kanyang US concert tour nitong end of the month
Post ni Leo Dominguez, ang manager nina Janine at Paulo sa kanyang Instagram account na guest ni Ogie ang dalawa sa US concert tour.
Naku, eto na kaya ang pagkakataong sinabi noon ni Paulo sa isang panayam nung may teleserye pa silang Marry Me Marry You.
Nabanggit kasi ng actor, “Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… OK.”
Matagal-tagal ding makapag-bonding ang dalawang personalidad sa ibang bansa.
Katunayan, marami ang nagsasabing sigurado raw pagbabalik nila ng bansa ay may aaminin na sila sa publiko.
Sinabi rin ni Paulo na si Janine lang ang kanyang hinihintay kung ready na raw ba itong magpaligaw.
Nagkahiwalay sila Janine at Rayver Cruz last October.