Advertisers

Advertisers

Rhian at Kris nagkasakitan sa taping ng serye

0 362

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI biro at naging pisikalan pala ang nangyari sa lock-in taping ng bagong teleserye ng Siyete, ang “Artikulo 247” na pinagbibidahan ni Kris Bernal, Rhian Ramos, Mark Herras, Benjamin Alves at Victor Silayan na kontrabida ang role ni Kris at napasabak sa maraming fight scenes between her and Rhian.
Say nga ni Kris, sugatan at mga pasa ang kanyang natamo sa pagtatapos ng kanilang lock-in taping. Pasa at bugbog mula sa ‘away’ nila ni Rhian. Sa kabila ng natamo ay happy si Kris sa kinalabasan ng mga eksena nila ni Rhian at tinuturing niya itong parte ng trabaho, as in walang personalan at work lang.
“I enjoyed it. Gandang-ganda ako sa role ko kasi ibang-iba siya. Before, ako ang inaapi, sinasaktan. This time, akong nang-aapi, nananakit and kahit ako, na-surprised ako na may emotions palang hindi ko na-experienced before pero nailabas ko rito.
“Aba, kaya ko pala silang gawin! The role of Claire-Carmen (mga pangalan ng karakter ni Kris sa naturang serye) really put my acting skills to a test kasi lahat bago for me. But I’m very thankful that I got to explore them here and puro magagaling ang kasama ko so I really enjoyed working with all of them,” say ni Kris.
Pagdating naman sa makatotohanan nilang fight scenes ni Rhian.
“Hindi mo maiiwasan na magkasakitan kasi ayaw naming dayain at gusto naming maging makatotohanan. Accidentally, nagkakasakitan kayo sa sabunutan, kalmutan, sampalan kaya ang ending, hayun may pasa at kaunting sugat,” dagdag pang say ni Kris.
***
REMEMBER Lara Morena? Ang sexy star na pinakilala via the sexy movie “Kriselda” last
1997 at huling napanood sa “Pornstar 2”, na sa ngayon ay tahimik sa piling ng kanyang partner na si Paolo Bediones and 2 years old daughter.
Well, si Lara lang naman ang naging inspirasyon ng magkapatid na Stephanie Raz at Angela Morena para sumabak sa mga sexy role. Unang pinakilala bilang support cast si Angela sa mga movies na “Sanggano Sanggago Sangguwapo 2” and “Kinsenas Katapusan”, ngayon ay may launching movie na, ang “X Deal 2”. X-deal 2 is a sequel to Lawrence Fajardo’s 2011 film, but with a completely different set of characters and story. What connects the two films is the premise of bargaining and exchanging partners for pleasure, exclusively streaming on Vivamax starting March 25, 2022.
Mas daring si Angela kaysa sa kanyang auntie na si Lara sa naturang movie na walang takot na nakipag-threesome si Angela sa kapwa niya bida sa pelikula na sina Rob Guinto at Josef Elizalde.
Sariwa at super palaban si Angela sa hubaran.
“This movie is a good start for my career, but I don’t see myself doing sexy and daring in my entire career. I want to be versatile and later explore other characters and other films na iba-iba ang genre,” say ni Angela.
Ano naman kaya ang naging payo sa kanya ng tiyahin na si Lara?
“She gave me memorable advice about acting: always prepare to make sure ready ka kapag isinalang ka and always do your best kasi hindi biro itong pinasok namin,” dagdag na say pa ni Angela.