Advertisers

Advertisers

Angeline ayaw piliting pakasalan ng live-in partner

0 198

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA bagong entry sa vlog ni Vice Ganda, muli niyang naging panauhin ang singer-actress na si Angeline Quinto na ikapitong buwan na ng pagbubuntis.
Sa naturang episode, inusisa ng It’s Showtime host kung bakit hindi pa nito pinapangalanan sa publiko ang ama ng kanyang anak sa social media bagama’t sa ibang posts ay may na-reveal na tungkol sa identity nito.
Ayon kay Angge, gusto raw niyang bigyan ng espasyo ang partner pagdating sa privacy nito considering na hindi naman ito galing sa showbiz.
Aniya, she also wants to spare him sa bashers lalo pa’t napaka-harsh ngayon ng netizens sa social media.
Sa naturang panayam, inamin din ni Angeline na nagli-live in na sila ng ama ng kanyang baby.
Aminado rin siyang mula nang mamatay ang kanyang Mama Bob ay sobrang kalungkutan ang kanyang naramdaman.
Kaya, blessing daw na maituturing ang pagdating sa kanya ng partner sa panahon ng kanyang kalungkutan.
Dagdag pa niya, isa rin daw kasi sa wish ng kanyang namayapang ina ay ang magkaroon siya ng baby at ng taong gagabay at mag-aalaga sa kanya.
Hirit pa niya, iba rin daw kasi ang feeling na kapag gigising siya sa umaga ay may katabi siya.
Naibahagi rin niya ang mga pagbabago sa kanyang katawan na naramdaman niya sa bagong kabanata ng kanyang buhay.
Dumating daw na naging OA siya sa pagbubuntis.
May pagkakataon daw na sinita niya ang kanyang nobyo nang minsang umalis ito ng bahay na hindi nagpaalam sa kanya.
Pinagsabihan daw niya itong umuwi na lang sa kanila.
Sa tanong naman ni Vice kung iiwan niya ang dyowa sakaling hindi siya pakasalan nito lalo pa’t may mga anak na ito sa mga naka-relasyon nito, ani Angeline, hindi raw niya gagawin iyon.
Katunayan, hindi raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.
Pero, hindi raw naman ibig sabihin noon na ayaw niyang makasal.
Naniniwala lang kasi siyang may tamang panahon sa lahat ng bagay at sa ngayon ay prayoridad nila ang co-parenting sa kanilang baby.
Marahil daw sa takdang oras ay uungkatin na rin niya ang tungkol dito sa kanyang live-in partner.