Advertisers

Advertisers

Mediaman ‘tinaniman’ ng granada, inaresto

0 190

Advertisers

TAHASANG sinabi ng misis ni Jaime Aquino na dating Manila Times reporter at National Press Club (NPC) member na ‘planted’ ang nakitang granada ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation kamakalawa ng tanghali sa bahay ng kanilang tiyahin.

Ayon sa misis ni Aquino na si Manilyn Mendoza nagpapagasolina ito sa Pangasinan nang biglang lapitan ng mga tauhan ng NBI sa bisa ng isang bench warrant.

Sa halip na dalhin sa presinto si Aquino, dinala ito ng mga ahente ng NBI sa kanyang tahanan upang magsagawa naman ng search sa bisa ng hawak nilang search warrant na ipinalabas ni Pangasinan Tayug Regional Trial Court Branch 51 Judge Rusty M. Nay na may petsang Marso 14, 2022.



Batay sa nilalaman ng search warrant ipinag-uutos ng hukuman ang pagsasagawa ng search sa tahanan ni Jaime, sa kanyang water refiling station at sa isang Pavillon.

Ngunit naging taliwas ang hakbangin ng mga ahente ng NBI dahil pati ang kanilang puwesto ng mga spare parts ng sasakyan, tindahan at isang bahay na hindi naman nila pag-aari hinalughog ng NBI.

Sa inventory report ng mga tauhan ng NBI nakasaad na wala silang nakita sa nilalaman ng search warrant.

Nagtataka sina Mendoza at Aquino na makalipas ang ilang minuto nakakuha ang NBI ng dalawang granada sa mismong lagayan ng mga pinggan sa isang bahay na pag-aari ng kanilang tiyahin.

Tinukoy ni Atty. Fernandez na sa kanilang pagharap sa korte, patutunayan nilang planted ang ebidensya dahil sa mga ilang pagkakataon at testigo at ebidensyang hawak nila matapos ang insidente.



Kuwento pa ni Manilyn na ang bench warrant ni Jaime na iprinisinta at ang dahilan ng pagdakip nito may kaugnayan sa kanyang kasong libel noong 2007 at walang kaugnayan sa kasong una niyang kinasasangkutan.

Naniniwala ang kampo ni Jaime na may kinalaman ang mga pangyayari sa pulitika dahil nang pabulaanan niya na personal at matagal na niyang kaibigan ang mag-asawang sina Congresswoman Helen Tan at Department of Public Works (DPWH) Regional Director Rommel Tan.

At bukod na rin sa kanyang pagtanggi na tumanggap siya ng tatlumpong milyong piso mula sa mag-asawang Tan.

Sa isang press conference rin ibinunyag nitong kinasuhan niya sina Quezon Governor Danny Suarez, Councilor Arkie Yulde, Atty. Villamor at anak na si Justine Aquino.

Si Tan ang isa sa mga mahigpit na makakatung-gali ng mga Suarez sa probinsya ng Quezon.