Advertisers

Advertisers

Bigtime rollback sa presyo ng langis asahan sa Martes

0 181

Advertisers

ASAHAN ang bigtime rollback sa presyo sa langis matapos ang mahigit dalawang buwan ng pagtaas sa presyo nito.

Base sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, matatapyasan ang diesel ng P11 hanggang P11.70 kada litro. Nasa P6 hanggang P6.20 naman ang inaasahang bawas-presyo sa gasolina.

May P8.70-P8.80 kada litrong rollback naman ang kerosene.



Ito ang unang rollback sa presyo ng petrolyo ngayong 2022.

Isa sa mga dahilan ng nakaambang rollback ang simula ng pag-uusap ng Russia at Ukraine para sa ceasefire. May kinalaman din ang bawas-presyo sa posibleng pagbaba ng demand dahil sa pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa China, ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ng energy department.

Pero hindi kumbinsido ang taxi driver na si Francisco Banga sa epekto ng oil price rollback.

Hindi naman daw kasi bumabalik sa dating presyo ang mga produkto ng langis kaya halos kakarampot na lang ang kanyang kita.

“‘Pag magtataas sila, ang taas masyado. Pag magbababa naman P1, P2 kaya lugi kaming mga driver,” ayon kay Banga.



Ganyan din ang sentimyento ng ilang tsuper ng jeep. Kahit anila may rollback, ang P9 minimum fare ay noon pang panahon na nasa P35 to 40 pa lang ang presyo ng diesel.

Kaya dismayado sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil sa hindi pag-apruba nito sa kanilang petisyon na dagdagan ang minimum fare.