Advertisers

Advertisers

‘Full venue capacity’ sa kampanya patuloy na imo-monitor – Comelec

0 176

Advertisers

PATULOY na imo-monitor sa kabila na aprubado na ng Commission on Elections (Comelec) ang “full-capacity” sa mga campaign venues sa mga lugar na nasa alert level 1 na lamang.

Pahayag ni Comelec Comm. George Erwin Garcia, ang regulasyon sa pangangampanya ay binago para makasunod pa rin sa lumuluwag na restrictions sa pandemya.

Ayon kay Garcia, IATF pa rin ang higit na nakakasakop sa pag-iral ng alert status, habang local government units (LGUs) naman ang nagpapatupad ng paghihigpit sa mga komunidad.



Sa bagong panuntunan, maaari nang magsagawa ng aktibidad ang mga kandidato kahit na walang sertipikasyon mula sa punong tanggapan ng poll body.

Bagama’t nilinaw ni Garcia na kailangan pa rin na kumuha ang campaign team ng pemit at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan na nakakasakop ng lugar na pagdarausan ng political event. (Josephine Patricio)