Advertisers

Advertisers

Abogado ng BoC sugatan sa ambush

0 229

Advertisers

Sugatan ang isang abogado nang tambangan ng dalawang salarin Lunes ng gabi sa bahagi ng Macapagal Blvd., Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Atty. Joseph Samuel Zapata, 30 anyos, legal officer ng Bureau of Customs (BOC) at residente ng San Isidro, Parañaque City.

Sa report, sakay ng isang Toyota Fortuner na may plate number na TP-7726 ang biktima nang dumating ang mga salarin sakay ng motorsiklo, saka pinagbabaril si Zapata.



Mabilis namang naisugod sa Manila Doctors Hospital ang biktima na ngayon, patuloy na nagpapagaling.

Sa panayam kay Pasay City Chief of Police PCol Cezar Paday-os, sinabing sa lugar ng krimen nakarekober ng mga basyo ng balang hindi matukoy ang kalibre ng baril.

Blanko pa aniya ang kapulisan sa motibo ng pamamaril.

Patuloy ang malalimang imbestigasyon at pagsasagawa ng interview sa crime scene para sa posibleng pagkakilanlan ng mga suspek, gayundin sa ginamit na motorsiklo, at motibo sa likod ng pamamaril.

Nakikipag-uganayan na rin ang Pasay City Police at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa imbestigasyon sa naganap na insidente.



Nabatid na ito na ang ika-6 na insidente ng pag-atake sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) mula noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon.(Gaynor Bonilla)