Advertisers

Advertisers

Patrol car ng PNP, kinarnap

0 226

Advertisers

BUTUAN CITY – Nakakulong na sa Alegria, Surigao del Norte ang carnapper na taga-Cebu City nang hindi pinatawad sa kanyang modus ang patrol car ng pulisya sabay takas.

Kinilala ang suspek na si Kim Bachiller Tabar, na taga-Cebu City.

Hanggang sa pagkakamot na lang ng ulo ang mga pulis dahil sa paglabas ng driver nito pasado alas-nuebe Lunes ng gabi nang umihi sa loob ng police station at nawala na ang sasakyang



ipinarada lang sa labasan rason na dali nilang inalarma ang kalapit na mga police stations.

Dahil dito nabigo ang carnapper nang harangan ng pulisya sa bayan ng Gigaquit ng nasabi ring lalawigan rason na matagumpay na nabawi ang nasabing patrol car at ngayon nadetine na sa police station ng Alegria ang driver na siguradong mahaharap sa kaukulang kaso.