Advertisers
SUPORTADO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais ng Department of Education (DepEd) na bumalik na ang face-to-face classes sa bansa kahit nasa gitna pa rin ang bansa sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Pahayag ni Pangulong Duterte, kailangan na raw maibalik ang in-person classes dahil pababa na rin ang mga infections ng nakamamatay na sakit.
Kampante naman ang Pangulo sa kahandaan ng DepEd para sa pag-supervise sa gradual expansion ng in-person classes nationwide.
Una rito, pinayagan na ng DepEd ang mga paaralang nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2 na magsagawa ng tinatawag na limited F2F classes pero subject pa rin ito sa health protocols.
Sa kabila naman ng mas maluwag na COVID-19 protocols, muli namang pinaalalahanan ng pangulo ang publiko na magsuot pa rin ng face masks para siguruhin ang kanilang proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.
Nanindigan ang Pangulong Duterte na malaking tulong ang pagsusuot ng face masks para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Una rito, ayon sa DepEd na noong Marso 28, nasa 13,692 public at private schools na ang lumahok sa in-person classes.