Advertisers

Advertisers

Kay Leni-Sara para sa ‘tunay na pagkakaisa’

0 172

Advertisers

LUMALAKAS pa lalo ang pwersa ng mga tumitindig para sa tambalang Leni Robredo para sa pagka-pangulo at Sara Duterte para bise presidente.

Kung merong Ro-Sa Movement na sinimulan ng mga pulitiko, isang people’s movement na binubuo ng higit 100,000 na Pilipino mula iba’t ibang sektor ang nagtatag ng Kay Leni at Sara Tayo (KALESA) Movement para isulong ang anila “tunay at may laman na pagkakaisa” sa susunod na administrasyon.

“Ang KALESA tandem ang kailangan ng bayan. Isang lider na nagpamalas ng competency at isang lider na nagpamalas ng tapang. Kadugtong nito, naniniwala kami na mas magiging bukas ang pinto ng pagkakaisa kung ang KALESA tandem ang magwawagi. Dalawang malaking kulay ng pulitika ang magiging magkasama at magkatuwang,” wika ng KALESA Movement sa kanilang opisyal na pahayag.



Ayon kay Olongapo Councilor Kaye Legaspi ng Kalesa Movement, sa pagbuo ng grupong ito, inaasahang mas marami pang lalabas na mga taga-suporta ng tambalang Leni-Sara sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Central Luzon at Mindanao.

“We know that VP Leni has the momentum at pataas nang pataas [siya sa] survey and what we mean by tumataas, siyempre may bumababa. With Kalesa, she has the chance to solidify the Mindanao votes,” ani Legaspi, na miyembro ng Aksyon Demokratiko at dating taga-suporta sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno sa pagka-pangulo.

Para naman sa isa sa miyembro nitong si Mike Abas, solido ang boto ng mga taga-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Leni dahil libo-libo ang napatay na mga Pilipinong Muslim sa kanilang lugar noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng dating pangulo at diktador Ferdinand Marcos Jr.

Pero sa pagka-pangalawang pangulo, pambato ng mga ito si Sara dahil siya ay kakatawan sa mga taga-Mindanao.

Sa ibang bahagi ng Mindanao, paliwanag ni Abas, maraming tahimik na sumusuporta kay Robredo. “But definitely with this Kalesa, lalabas sila at may kasama na from national. 100% makikita natin ‘yung momentum at [‘yung] pagtaas at pag-angat ng survey ni Ma’am Leni ay talagang tuloy-tuloy na,” aniya.



Naniniwala naman si John Martinez, kinatawan ng maliliit na negosyante sa Kalesa Movement, mako-convert nito ang mga tinatawag na “soft votes” ni Marcos Jr. para kay Robredo.