Advertisers
HANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-release ng contingency fund para sa mga naapektuhan ng bagyong Agaton.
Pahayag ni Pangulong Duterte, anumang oras maaring ilabas ng kanyang tanggapan ang pondong ito basta’t kinakailangan.
Ayon sa Chief Executive malaki ang maitutulong ng contingency fund upang muling makabangon ang mga pamilyang sinalanta ng nagdaang kalamidad.
Magagamit din ayon sa Pangulo ang pondong ito upang maisaayos ang mga lugar at tirahan na labis na binayo ng nagdaang bagyo. (Vanz Fernandez)