Advertisers

Advertisers

Pinakahuling DQ case vs BBM ibinasura ng Comelec

0 318

Advertisers

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang pinakahuling disqualification case laban kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ang desisyon ay nilagdaan nina Commissioners Socorro Inting, Aimee Ferolino at Aimee Torrefranca-Neri.

Ang ibinasurang petisyon ay inihain ng grupong Pudno Nga Ilokano na nag-ugat sa tax evasion case ni Marcos.



Kabilang din sa petitioners sina Margarita Salonga Salandanan, Crisanto Ducusin Palabay, Mario Flores Ben, Danilo Austria Consumido, Raoul Hafalla Tividad, Nida Mallare Gatchallan, at Nomer Calulot Kuan.

Ayon sa Comelec First Division, ibinasura ang kaso dahil sa kawalan ng merito.

Magugunitang una nang sinabi ng Comelec sa magkahiwalay na disqualification case na hindi maituturing na crime involving moral turpitude ang hindi pagbabayad ng buwis.

Ang conviction sa isang crime involving moral turpitude ay isa sa mga disqualification na nakasaad sa batas. (Jonah Mallari/Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">