Advertisers
INAASAHANG tataas ang presyo ng ilang bilihin sa susunod na buwan.
Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Stephen Cua, 10 kumpanya na ang nag-abiso na magtataas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Kabilang na rito ang sabon, shampoo, kape, instant noodles, de-lata at gatas.
Payo rin ni Cua na pumili na lamang ng ibang brand ng mga naturang produkto kung namamahalan.
Paliwanag niya na hindi na kinaya ng mga kumpanya matapos na magtiis na hindi magtaas ng presyo noon para hindi lumipat sa ibang produkto ang kanilang mga suki.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang naturang grupo sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng ilang produkto kamakailan sa supermarkets.