Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS magpakitang gilas bilang screenwriter, sumabak na rin sa pagdidirek ng pelikula ang magaling na aktres na si Bela Padilla.
First directorial effort niya ang pelikulang “hugot movie” na “366” na pumapaksa tungkol sa ‘moving on and falling in love again.’’
Tsika niya, nag-enjoy daw naman siya sa proseso ng paggawa ng nasabing pelikula.
Grateful din siya dahil sobra-sobra ang ipakitang suporta ng kanyang team mula sa kanyang mga artista down to her technical crew.
Dagdag pa rito, inalalayan din daw siya ng fave director niyang si Irene Villamor na nagsilbing creative producer ng pelikula.
Dahil nagustuhan niya ang proseso, may follow up na raw siyang gagawin sa Viva na isang family-oriented movie.
Bida pa niya, gusto raw niyang idirek si Kim Chiu na para sa kanya ay isang underrated actress.
May naiisip na nga raw sana siyang materyal na iinog sa tema ng friendship.
Nilinaw naman ni Bela na ang tema ang pelikulang “366” ay hindi batay sa mga tunay na karanasan niya sa buhay.
Ang 366 days ay ang time frame na inilaan nila ng kanyang proxy boyfriend na si Zanjoe Marudo para makapag-move on sa pagkawala ng kanyang dyowang si JC Santos.
366 din dahil ito ay leap year sa tradisyon ng Ireland na ang mga babae ang nagpro-propose sa mga lalake.
Sa Turkey din daw kinunan partly ang pelikula dahil ito lamang ang bansa na bukas noong kasagsagan ng pandemya pero masasabing blessing in disguise raw ang nangyari dahil ang naging setting ng pelikula dahil bumagay sa narrative content, plot, mood at milieu ng kanyang obra.
Ang pelikula raw niyang 366 ay maituturing niyang isang ‘meditation on loss and grief.”
Marami rin daw ang makaka-relate rito lalo na iyong mga nawalan noong pandemya: mapa- mga mahal sa buhay, trabaho o naglahong oportunidad.
Ani Bela, ang pelikula ay tungkol sa kuwento ng isang babaeng nahihirapang maka-move on sa pagkasawi ng kanyang nobyo sa isang aksidente.
Sa kagustuhang makalimot, pumasok siya sa kasunduan sa isang proxy boyfriend para matulungan siyang maka-move on sa loob ng 366 days.
Ang “366” ay muling pagtatambal nina Bela at JC pagkatapos ng kanilang matatagumpay na mga pelikulang “100 Tula Para kay Stella” “A Day After Valentine’s.” “Of Vodka, Beers and Regrets” na kasalukuyang palabas na sa Vivamax.