Advertisers

Advertisers

NNIC, NAGLABAS NG PAHAYAG SA ‘CEILING PANEL INCIDENT’ SA NAIA TERMINAL 1

0 10

Advertisers

Kinumpirma ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang insidente ng pag-collapse ng isang ceiling panel dakong 10:43 a.m. ng April 3, 2026, sa West Arrival Curb C area sa labas ng passenger terminal building ng NAIA Terminal 1, malapit sa isang food concession outlet.

Pitong katao ang nasugatan sa insidente na agaran namang nagamot. Lahat sila ay nasa ‘stable condition’.

Ayon kay NNIC general manager Lito Alvarez, ang NNIC medical team, airport security personnel at PNP- Aviation Security Group ay mabilis na rumesponde, nag-secure ng apektadong area at nagbigay din ng tulong sa mga apektado.

Agad ding na-cordone off ang lugar at ang NNIC engineering team ay nakapagsagawa na ng inspeksyon sa surrounding section upang makumpirma na ligtas na ito sa normal operations.

Ayon kay Alvarez, patuloy ang mga imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.

“NNIC is working closely with the relevant authorities and will take the necessary action based on the findings,” aniya.

Tiniyak din niya na patuloy na magbibigay ng kinakailangang assistance ang NNIC sa lahat ng mga apektado.

“The safety and well-being of passengers, airport workers and visitors remain its top priority. Further updates will be provided as more information becomes available,” dagdag pa ni Alvarez. (JERRY S. TAN)