Advertisers
PATAY ang isang ina ng gilitan ito sa leeg ng naburyong na mister at sugatan ang 12-anyos at 15-anyos na anak sa Angono Rizal.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PRO4A-Regional Director P/BGen. Hansel Marantan, kinilala ang nasawi na si Ma. Lourdes Santos, nasa hustong gulang at sugatan naman ang 2 anak na sina alyas Kyle 12-anyos at Dwayne 15-anyos kapwa nilalapatan ng lunas sa Angono ospital.
Isinugod din sa ospital ng mga tauhan ng rescue team ang sugatang suspek na nagsaksak umano sa sarili na si Jeremy Santos mister (suspek) ng nasawing misis.
Batay sa ulat, nangyari ang brutal na krimen dakong 8:15 ng umaga April 4, 2026 sa mismong tahanan ng mga biktima sa Blk-15, Isabel Subd., Mahabang Parang sa nabanggit na bayan.
Dakong alas 11:30 ng romispinde ang beat patrol at investigator personnel sa pinangyarihan ng krimen.
Agad isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit ideneklarang dead on arrival sanhi ng laslas sa leeg ang biktimang si Lourdes ayon kay Dr. Sir Deo Lindo.
Natagpuan naman ng mga awtoridad ang suspek na duguan at nagtangkang magpakamatay na nakahandusay sa bath room na agaran ding isinugod ng ambulansya sa pagamutan.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang Angono PNP, kung ano ang tunay na motibo sa brutal na krimen.
Kasong Parride ang isasampang kaso ng mga awtoridad laban sa akusado. (Edwin Moreno)