Advertisers

Advertisers

Bgy. councilor, sugatan sa saksak ng senglot

0 401

Advertisers

Nagpapagaling na sa ospital ang isang barangay councilor nang pagsasaksakin ng lasing na lalaki habang ito naka-duty sa Brgy. Pook, Agoncillo, Batangas11:00 ng gabi nitong Huwebes.

Kinilala ng Agoncillo Municipal Police Station ang biktima na si Redentor Medrano y Taruc, 57 anyos at residente ng naturang barangay.

Ayon sa imbestigasyon, naka-duty ang biktima sa Siglakas Club nang lapitan ng lasing na salarin na si Niel Alvarez y Derana, 45 anyos.



Kinumpronta ni Derana ang biktima at sinabi ang mga katagang: “Matagal ka ng may atraso sa akin”.

Dito na nagkasagutan ang dalawa na nauwi sa pananaksak ni Derana sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng opisyal gamit ang balisong.

Agad na tumakas ni Derana gamit ang kanyang motorsiklo habang isinugod sa ospital sa Lemery ang barangay kagawad.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang nakatakas na si Derana.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">