Tony babad sa dagat, amoy-alat na sa kissing scene kay Ariella; Miss U Spain dodonselyahin ni Alden sa pelikula
Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ILANG dekada ang lumipas nang magkaroon ng isang banyagang aktres na lumabas sa isang locally made movie na pinagbidahan ni Ms. Gloria Diaz, ang “Hayop Sa Ganda”, si Miss Universe 1974 Amparo Munoz. At ngayong taon, 2022, tila nagparamdam ang reigning Miss Universe Spain na si Sarah Loinaz na pagsabak sa pelikula rito sa Pilipinas.
Sa kanyang pagdalaw sa bansa ang isa sa pangunahing agenda ni Sarah ay ang pakikipag-usap sa big boss ng Viva Films na si Mr. Vic del Rosario at sa kanyang pagbalik sa Spain ay nag-iwan ng isang mensahe si Sarah sa kanyang socmed account na tila nagpapahiwatig na ‘done deal’ na ang pagsabak niya sa showbiz dito sa Pinas.
“Mabuhay! I will really miss this loving country and all the people who are so nice but I might come back soon especially with this 2 icons #BossVicDel Rosario – owner of @vivaartistsagency and my best @josh_yugen of @yugenpr. Can’t wait to announce exciting things to happen in the Philippines soon!”, saad ni Sarah.
Hindi kaya si Alden Richards ang maging first leading man ni Sarah sakaling pumasok siya sa showbiz? Eh kasi nga naman, nagpost din si Sarah ng larawan kasama si Alden. At positibo pa ang naging caption niya sa naturang photo nila together.
“Is Alden Richards handsome in person?” tanong ng isang netizen kay Sarah.
“Yes. But the best thing about him is he is so humble. I learned that he help many charities,” tugon naman ni Sarah.
***
MARAMI na sa mga supporters ni Tony Labrusca ang nami-miss ang kanilang hunk idol na lumabas sa isang serye. Taon na rin ang binilang ng huling napanood si Tony sa isang serye.
At nang matanong si Tony tungkol sa bagay na ito ay sinabi niyang sa ngayon daw ay focus muna siya sa paggawa ng pelikula. Katatapos lang niyang gawin ang isang international movie with KC Concepcion sa States at balik Pinas naman siya para sa movie nila ni Ariella Arida na “Breathe Again” na magsisimula nang mag-stream sa Vivamax App simula sa June 3.
Sa “Breathe Again,” isang diving instructor ang papel na ginampanan niya at estudyante niya si Ariella sa diving lesson.
“I play Robert, a diving instructor sa Anilao Beach. For this role, me and my leading lady, Ariella Arida, had to enroll first in a free diving class to prepare ourselves for the many underwater scenes we are doing in the movie,” say ni Tony.
Maraming maiinit na eksena sina Ariella at Tony na ginawa sa dagat. Hindi naman kaya nailang si Tony na basa siya ng tubig dagat sa kanilang hot scene ni Ariella?
“I’ve done such scenes before, like in ‘Glorious’, pero nahihiya pa rin ako lagi sa co-actor ko when I do such scenes. It’s important na maging comfortable muna kami sa isa’t isa, so I make sure I talk to them to find out the details of what we can do in our love scenes.
I was joking with Ariella kasi, maghapon kaming nag-shoot sa dagat. Sabi ko, baka maalat na ako kapag naghalikan tayo,” say pa rin ni Tony.