Isko nakiisa sa pagdadalamhati at pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces
Advertisers
NAKIISA si Manila Mayor Isko Moreno sa showbiz industry sa pagdadalamhati at nagpahayag ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng Reyna ng Philippine Cinema na si Susan Roces na yumao noong Biyernes ng gabi sa edad na 80.
“Taos-pusong nakikidalamhati ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pagpanaw ni Ms. Susan Roces na tinaguriang “Queen of Philippine Movies,” sabi ni Moreno.
Idinagdag pa nito na: “Tunay na isang timeless icon ng bansa si Ms. Susan Roces na kilala rin sa tawag na Manang Inday ng malalapit na kaibigan tulad nina Kuya Germs at Manay Ichu Maceda. It was a great show. Maraming salamat po sa hindi matatawarang kontribusyon sa pinilakang tabing at telebisyon.”
Sinabi ni Moreno na bahagi rin ng showbusiness, na ang Philippine movie and television industry ay nawalan ng isang haligi sa pagkawala ni Roces.
“My thoughts and prayers are with the Poe family during this extremely difficult time. Kapag nagkita po kayo ni Ninong FPJ sa langit, please say “hi” and give a warm hug as well. Rest in peace, Ninang Susan,” sabi nito. (ANDI GARCIA)