Advertisers
Cavite – Mahigit sa kalahating bilyon pisong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Task Force Noah, Team Navy, Philippine Drug Enforcement Group (PDEG-FILD) at PNP Calabarzon Region 4A sa magkahiwalay na operasyon sa Dasmarinas City at General Trias City dito nitong Huwebes ng umaga.
Personal na kinilala nina PDEA Director General Wilkins Villanueva at PNP Officer-in-Charge Lt.General Vicente D. Danao Jr. ang mga nahuli sa droga na sina Dominador Omega Jr., lider ng Omega Drug Syndicate; at Siegfred Garcia, mga nasa hustong gulang at mga residente ng Blk 44, Lot 14, Hyacinth Street, Camella Homes, Brgy. Paliparan, Dasmarinas City, Cavite.
Narekober sa bahay ng mga ito ang 60 kilos ng shabu na may street market value na P408 million, cooking equipment, mga galon ng kemikal, rectangular plastic containers na may lamang shabu, air purifier (gamit sa pagrepak ng droga), drug paraphernalias, butane stove, isang (1) android cell phone at identification cards (IDs).
Arestado rin sa operasyon sina Elaine Maningas, Ricardo Santillan, at Laurel Dela Rosa, mga nasa hustong gulang at mga residente ng Blk 11, Lot 1, Buenavista Town Homes, General Trias City, Cavite.
Nakuha sa mga ito ang mga humigit- kumulang 20 kilos ng shabu na may street market value na P136 million, 4 android cell phones, 2 analog cell phones at IDs.
Ayon kay Villanueva, humigit- kumulang sa P544 million ang kabuoang halaga ng nasamsam na iligal na droga sa nasabing grupo na nanggagaling pa diumano sa mga drug syndicate sa bansang Myanmar at ibinabagsak ng mga suspek sa buong Region 4A at Tacloban City.(Jose Koi Laura/
Mark Obleda)