Advertisers

Advertisers

2 lalaki nakapag-nakaw ng 20 motorsiklo arestado sa Maynila

0 294

Advertisers

TIMBOG ang dalawang lalaki na nakapagnakaw ng nasa 20 motorsiklo sa serye ng kanilang mga pagnanakaw sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jerome Manapat at Marly Gomez.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel John Guiagui, station commander ng Sta. Cruz Police, nahuli nila ang dalawa nang tinangka nilang takbuhan ang checkpoint sa Oplan Sita.



Nang mahabol ng pulisya, natuklasan na walang papeles ang mga motor ng dalawa.

Nakuha rin sa kanila ang isang baril at dalawang bakal, na kanilang ginagamit bilang “universal key” para magnakaw ng mga motorsiklo.

Sinabi ng Sta. Cruz Police na nasa 20 motorsiklo na ang nananakaw ng mga suspek sa Maynila, Caloocan, Malabon, at Navotas.

“Actually ang mga ito is nagmemekaniko lang ng mga motor. Dinadala sa kanila ‘yung mga nakaw then kinakalas-kalas nila ‘yon, parts by parts tapos china-chop-chop nila ‘yun tapos binibenta sa buyer. P1,800 isang motor ‘yun, paghahatian pa nila. Naeengganyo ngayon silang tumira ng motor,” sabi ni Guiagui.
Sasampahan sila ng kasong carnapping.