Advertisers
Patay ang isang drug suspek habang nagkakahalaga ng P20.4 million shabu ang nasamsam sa isinagwang buy bust operation sa Cebu City Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Mark Ronald Matig-a alias Onad, habang nakatakas ang kasama nito na si June Tunacao alias Egay.
Ayon kay OIC PNP LT Gen Vicente Danao Jr., 1:00 ng madaling araw ng magsagawa ng buy bust operafion ang pinagsanib na elemento ng Special Opeation Unit 7 PNP-DEG, PDEA at Mobolo Police Station 4 sa Chinese, Cemetery sa Brgy Careta, Cebu City.
Nasamsam ng mga otoridad ang 3 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P20.4 million, buy bust money, 1 KG-9.
Ang mga nasamsam na mga ebidensiya, dinala sa PNP Forenaic Group 7 para sa laboratory examination.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa nakatakas na si Tunacao. (Mark Obleada)