Advertisers
Advertisers
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MULI ngang pumutok at trending na naman sina Paolo Contis at nali-link dito na si Yen Santos.
Doon nga nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan.
Pero muli na naman napag-initan ng bashers sina Yen at Paolo.
Pinutakti na naman sila ng bash matapos magpadala si Yen kay Paolo ng kaldereta at pasalamatan ng aktor ang aktres.
Yummylicious kasi magluto si Yen kaya naman busog much si Paolo.
Pag-amin ni Paolo na konti na lang ang friends nito sa kanyang socmed account.
At alam nito na Isa sa mga kaibigan sa socmed ang nagpakalat na pinadalhan siya ni Yen ng ulam na kanya naman pinasalamatan.
Kaya pumutok ang butsi ni Paolo na feeling nito ay natraydor siya.
Bakit daw sila ang pinapakialaman at tinututukan ng bashers.
Samantalang nagmahalan at nagtaasan na ang lahat ng bilihin at bayarin at di nga raw sila ni Paolo at Yen ang kanilang pinapakialaman.
Naudlot tuloy ang request muli na ulam ni Paolo na adobo.
***
Robin naispatan sa Iconic concert ni Sharon
TILA si Robin Padilla pa ang dahilan ng pag-aayos at pagbabati nina Sal Panelo at Megastar Sharon Cuneta.
Matatandaan na nagkaroon ng konting di pagkakaunawaan sina Panelo at Sharon nung kasagsagan ng kampanya.
Inawit naman nito ang Isa sa Iconic song ni Sharon na Sana’y Wala Ng Wakas’.
Kahit nga humingi na ito ng apology ay ayaw pa rin siya tigilan.
Mismo naman si Sharon ay na-surprise sa pagbulaga ng kaibigan na si Robin na kasama pa si Panelo na umamin noon na Sharonian.
Mismo namang si Sharon ang sumalubong kay Senador na kanyang kaibigan na si Robin.
Napansin din ang red gown na suot ni Sharon na sign of unity nga raw.
Napahanga naman si Robin sa husay ng dalawang singer ng ating bansa.
As in, napapasabay nga sina Robin at Panelo sa mga awitin nina Sharon at Regine Velasquez-Alcasid.
May tsikang magsasama muli sa isang proyekto sina Robin at Sharon.
Bonggacious! Well, well, well…Yun na!