Advertisers
Tampok si Filipino American Donato Gamaro na isang engineer at golfer mula Queens, New York na magtutungo sa Philadelphia na umaasa na mapaganda ang kanyang world ranking bukod sa muling pagbibigay ng karangalan sa bansa.
Kilala sa palayaw na Gerry sa chess world ay masisilayan sa 50th annual World Open chess championship Under 2000 category sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4, 2022 na gaganapin sa Sheraton Philadelphia Downtown sa Philadelphia, Pennsylvania, USA.
“I hope to do well in the 50th annual World Open chess championship in Philadelphia, Pennsylvania, USA,” sabi ni Gamaro na tubong Calauan, Laguna.
Nito lamang Abril 17 ay nagkampeon si Gamaro sa 14th annual Foxwoods Open International Chess Championship nitong Abril 17 na ginanap sa Foxwoods Resort Casino and Hotel sa Connecticut, USA.
Nagkampeon siya sa Under 1600 division sa pagtarak ng 6.5 points matapos payukuin si Karim Naba sa final round ng 7-round Swiss System Tournament. Sa kanyang tagumpay sa regular game 60 minutes plus 10 seconds delay time control format ay nakatangap ng tig US$2,325 dahil sa kanyang efforts. Si Gamaro din ang nagkampeon sa Blitz side event tungo sa US$100 richer.
Si Gamaro ay kasalukuyang nasa marubdob na pagsasanay na nasa pangangasiwa ng kanyang coach/trainer US based National Master at Engineer Mario Lawsin Rebano.-(Alberto Dacallos Jr.)-
Makikita sa larawang ito si Filipino American Donato “Gerry” Gamaro (kaliwa) na isang engineer at golfer mula Queens, New York na nakatuon sa kanyang susunod na moves.
Nakamatyag si National Master at Engineer Mario Lawsin Rebano. (Alberto Dacallos Jr.)