Advertisers

Advertisers

Bilyun-bilyong halaga ng nasayang na Covid-19 vaccines pinaiimbestigahan sa Senado

0 224

Advertisers

NAGHAIN ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros upang imbestigahan sa Senado ang pagkasayang ng bilyung-bilyong pisong halaga ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Hontiveros, mula noong Abril hanggang nakaraang buwan ng Hulyo ay may apat na milyon hanggang 27 milyong doses ang hindi nagamit at nag-expire na nagkakahalaga ng P5 bilyon hanggang P13 bilyon.

“Of course, may mga vaccines na alam nating hindi magagamit dahil sa iba’t ibang dahilan. May margin of error naman talaga. But in this case, goodbye agad sa halagang bilyun-bilyong piso? Mukhang magtatapon tayo ng pera at bakuna sa kabila ng mabilis na namang pagtaas ng mga COVID-19 cases,” hinaing ni Hontiveros.



Nabanggit din niya sa resolusyon na dapat ay sikapin ng gobyerno na mabawasan ang mga nasasayang na bakuna at dapat din maging malinaw sa pag-uulat hinggil sa mga nasasayang na bakuna.

“Saan ba nagkamali o nagkulang sa proseso? Sa pagplano sa pagbili? Sa roll out? Sa paglabas ng guidelines? Bottom-line, sayang ang pera o supply, kanino man yan kasi. Kasi pinagtrabahuhan natin ang pondo na yan. Tapos, ang ending, itatapon lang pala?,” banggit ng senadora.

Ipinunto niya na patuloy ang paghingi ng saklolo ng iba’t ibang sektor at napakasakit isipin na ang gobyerno pa umano ang lumalabas na nagtatapon ng pera.

“Palaging inaanunsyo na ang dami-dami na nating bakuna, pero hindi naman sa procurement natatapos ang kwento. Baka naman may oversupply na tayo kaya may hindi nagagamit at nasasayang. ‘Wag naman sanang ipangalandakan na dinaig pa nila si Asyong Aksaya. Dapat may managot dito,” dagdag ni Hontiveros.

Matatandaang iniulat ni Go Negosyo founder at dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na 3.6 milyong doses ng Moderna vaccines na-expire noong Hulyo 27 habang 623,000 AstraZeneca doses ang na-expire noong Linggo, Enero 31 na may kabuuang bilang na 4.2 milyong vaccines at may kabuuang halaga na P5.1 bilyon. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">